Sunday, February 22, 2009

more bob ong

sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sayo --- ang sarili mo. tama sila. isinuplong ako ng sarili ko. kaya siguro namigay ng konsensya and Diyos, alam Niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.

kung pumapasok tayo sa eskuwela para lang makahanap ng trabaho at kumita ng pera balang araw, di na nakakapagtaka kung bakit marami ang namamatay nang mangmang. nakalimutan na ng tao ang kabanalan niya, na mas marami pa siyang alam kesa sa nakasulat sa transcript of records niya, na mas marami pa siyang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume niya, at mas mataas ang halaga niya kesa sa presyong nakasulat sa payslip niya tuwing sweldo.

Ang babae, nirerespeto, inaalagaan!Hindi yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa pag gusto mo ng paglaruan.Hindi yan IPOD na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan.At hindi yan RED HORSE na pwede mong laklakin hanggang madaling-araw.Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi yan gadget para kolektahin at paglaruan.

Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? Wag kang magpakatanga, sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan, kung lagi ka namang sinasaktan.

Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap muli ang taong tinalikuran mo.

Imbis na magtanong ka ng "Hindi pa ba sapat?" Bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na sya.
Wag kang magpadala sa salitang "sorry" at "ayokong mawala ka"
kung totoo yun,patunayan nya.

Pag pinag-aagawan ka, malamang maganda ka o gwapo ka.
Tandaan mo: Sumama ka sa mabuti, di sa mabait. Sa marunong, di sa matalino. Higit sa lahat, sa mahal ka, di sa gusto ka.

lastly, his suicide tip:
bago ang lahat, alamin muna ang tamang dahilan ng pagsu-suicide. kung ang problema mo ay dahil lang naman sa wala kang pera o iniwan ka ng minamahal mo, hindi ka dapat magpatiwakal. ang mundo ay tambak ng mga tao na pwede mong mahalin, at ang pera naman ay pwedeng kitain, kaya hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. ang pagkitil sa sariling buhay ay karapatan lamang ng mga taong gumagamit ng cellphone at nakikipagkwentuhan sa loob ng sinehan

3 comments:

red said...

can't help but sigh...whew!!!

/___o

braicekiddo said...

i agreed on the fourth paragraph.

psychotic child said...

hala ma'amdaw nag coment man ako di! hehe...hala pila na ko ka weeks, monthna guro ay...la gid ka post...=(